Alas-9:40 na ng gabi ng Lunes nang matapos ang pagsasaayos sa emergency leak sa Coastal Road. Ito ay matapos masira ang primary line dahil sa mataas na pressure ng tubig.
Dapat ay alas-8 ng gabi ay naibalik na ang supply ng tubig, ngunit ayon sa Maynilad, hindi pa maaaring padaluyin ang tubig mula sa valve sa Kabihasnan, Parañaque nang dumadaan sa primary line.
Sa hiwalay na abiso, sinabi ng Maynilad na maibabalik na ang supply ng tubig sa mga apektadong lugar sa pagitan ng alas-8 ng gabi ng Martes hanggang alas-2 ng madaling araw ng Miyerkules kung hindi na magkakaproblema pang muli sa site.
Samantala, sinabi ng Maynilad na ililipat nila ang nauna nang naka-schedule na temporary shut down ng PAGCOR pumping station. Dahil dito ay mawawalan ng tubig ang ilang bahagi ng Parañaque, Las Piñas, at Cavite mula alas-12 ng tanghali ngayong araw ng March 7 hanggang alas-6 ng umaga ng March 8.