Human trafficker arestado sa Parañaque City

Napasakamay na rin ng mga otoridad ng Parañaque City ang isang lalaking halos apat na taong nagtago sa pamamagitan ng isang warrant of arrest.

Kinilala ang suspek na si Artemio Tamamao, 69 taong gulang at kasalukuyang residente ng Barangay Rizal, Makati City.

Mayroong kasong paglabag sa Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act si Tamamao.

Ayon sa Parañaque City Police, July 28, 2014 pa nang magsimulang magtago ang suspek.

Read more...