Ang nasabing lugar ay malapit lamang sa himpilan ng Quezon City Police District (QCPD) sa Kampo Karingal.
Ayon sa QC Bureau of Fire Protection (BFP), alas-6 ng gabi nang makatanggap ang kanilang himpilan ng ulat tungkol sa sunog at agad itong itinaas sa ikalawang alarma dahil dikit-dikit at puro gawa sa light materials ang mga bahay dito.
7:21 ng gabi nang itinaas na sa Task Force Alpha ang sunog at iniakyat pa ito sa Task Force Bravo.
9:54 naman ng gabi na madeklarang fire under control na ang pagliliyab na tuluyang naapula alas-12:23 ng hatinggabi.
Ayon kay Quezon City District Fire Marshall Fire Superintendent Manuel Manuel, sumiklab ang apoy mula sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Felipe Tabon.
Aniya, posibleng problema sa koneksyon sa kuryente dahil sa paggamit ng jumper ang naging sanhi ng sunog.
Tinatayang aabot sa P2 milyon ang kabuuang halaga ng pinsalang idinulot ng sunog. 500 mga pamilya naman ang iniwang walang matitirhan dahil sa insidente.