Pinatatahimik na ni Pangulong Rodrigo Duterte si National Food Authority (NFA) Administrator Jayson Aquino.
Kasunod na rin ito ng pahayag ni Aquino na nagkakaroon na umano ng kakapusan ng suplay ng NFA rice dahilan para magpanic ang publiko.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sinabi ng pangulo sa cabinet meeting kagabi na ang NFA Council na lamang ang magbibigay ng pahayag kaugnay sa lagay ng suplay ng NFA rice.
Mali aniya ang pahayag ni Aquino na tatagal na lamang ng dalawang araw ang suplay ng bigas sa merkado.
Taliwas sa ito labinglimang araw na requirement na buffer stock.
Ayon kay Roque, malinaw kasi na walang kakapusan ng suplay ng NFA rice sa merkado.
Kasabay nito, sinabi Roque na pinadadalo ng pangulo si Aquino sa susunod na cabinet meeting sa buwan ng Abril.
Gusto ng pangulo na marinig mismo kay Aquino ang tunay na estado ng esuplay ng NFA rice sa bansa.