Korona sa 2015 UAAP Cheerdance competition nasungkit ng NU

NU UAAP
Inquirer file photo

Sa ikatlong pagkakataon ay muling nasungkit ng National University ang kampeonato sa katatapos na UAAP Cheerdance competition na ginanap sa MOA Arena sa Pasay City.

Malinis na execution sa kanilang stone-age inspired na performance ang siyang naging dahilan para sila muling tanghaling kampeon sa nasabing cheering competition.

Sa simula pa lamang ng kanilang performance ay kaagad na napansin ng mga hurado ang well-coordinated na mga galaw bagama’t may pagkakataong nadudulas ang ilan sa mga miyembro ng team.

Nasungkit naman ng Salinggawi Dance Troupe ng University of Sto. Tomas ang ikalawang pwesto sa pamamagitan ng kanilang Jungle-themed na routine.

Bagaman itinuturing na early favourite ang University of the Philippines (UP) Pep Squad, bumagsak ang nasabing grupo sa ikatlong pwesto kumapara sa kanilang naging performance na naka-sungkit ng second place noong nakaraang taon.

Halatang nabigla ang UP Pep Squad dahil sa hindi nila inaasahang ranking sa katatapos na timpalak.

Ang Magician-inspired na performance ng Far Eastern University ang nakakuha ng ika-apat na pwesto na sinundan naman ng Mime-inspired routine ng University of the Philippines na naka-sungkit ng ikalimang pwesto.

Dahil sa dami ng kanilang palpak na moves at pagbagsak ng ilang team members, nangulelat sa cheerdance competition ang Ateneo Blue Eagle.

Read more...