Nakasabat ng P1Million halaga ng shabu ang pinagsanib na pwersa ng Anti-Narcotics Operatives ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa ginawa nilang buy-bust operation sa Legaspi City sa Albay kung saan isang drug dealer ang naaresto.
Pinangalanan ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac Jr. ang suspek na si Julius Dela Torre, 28 anyos, walang trabaho, residente saPurok 1, Brgy. 62 Humapon Legazpi City.
Naaresto ang suspek habang nasa aktong nagbebenta ng droga sa mga undercover agents ng PDEA malapit sa Humapon Cockpit Arena sa nasabing lungsod.
Pitong piraso ng plastic sachet na naglalaman ng droga ang mga otoridad at sa kanilang ginawang pagsisiyasat sa bahay ng suspect at naka-kuha pa sila ng karagdagang 200 grams ng shabu na may street value na P1Million.
Nahaharap sa patong patong na kaso ang suspek kaugnay ng paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Inaalam naman ng mga operatiba ng PDEA kung saang grupo kaanib ang naarestong drug dealer.