Pulong ng Pilipinas at Kuwait na nakatakda sana bukas naudlot

DFA FIle Photo

Hindi muna matutuloy ang pulong sa pagitan ng mga opisyal mula sa Pilipinas at Kuwait na nakatakda sanang magsimula bukas, March 7.

Ayon kay Department of Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III, ang Kuwaiti government ang humiling na ipagpaliban muna ang pulong at gawin na lamang ito sa susunod na linggo.

Sa halip sinabi ni Bello na sa March 14 hanggang 16 na lamang gagawin ang pagpupulong.

Target sa nasabing pulong na malagdaan ang kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa para matiyak ang proteksyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Una nang sinabi ng DOLE na tatlong taon na nilang isinusulong ang nasabing kasunduan pero hindi ito nilagdaan ng Kuwaiti government.

Bahagi ng draft na kasunduan ang pagtiyak na ang cellphones at pasaporte ng mga household service workers ay hindi hahawakan ng kanilang mga amo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...