Nagsimula na ang decampment sa mga evacuation center sa Albay makaraang ibaba sa alert level 3 na lamang ang status ng Bulkang Mayon.
Ayon kay sa Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO), 14,520 na pamilya o 54,657 na katao ang inumpisahang pauwiin na sa kani-kanilang mga tahanan.
Sinabi naman ni Cedric Daep, pinuno ng APSEMO na mayroon pang 2,666 na pamilya o 10,836 na katao ang maiiwan sa mga evacuation camp.
Samantala sa Ligao City, sinabi ng City Disaster Risk Reduction and Management Office na ang mga inilikas na residente sa Barangay Nabonton at Tambo ay pauuwiin na ngayong araw.
Habang ang mga inilikas mula sa mga Barangay Amtic at Baligang ay sa Huwebes na pauuwiin.
MOST READ
LATEST STORIES