Requirement na pagkakaroon ng parking space bago makabili ng sasakyan ipinanukala sa Kamara

MMDA Photo

Isinusulong ngayon ni House Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu ang panukalang “Proof of Parking Space bill”.

Sa ilalim ng panukala, magiging requirement ang pagkakaroon ng parking space bago makabili ng sasakyan ang isang tao.

Ang mga lalabag ay magmumulta ng P50,000 at tatlong taon na hindi niya maaring irehistro ang kanyang biniling sasakyan.

Sinabi ni Abu ito ay upang hindi na madagdagan pa ang mga sasakyan na walang sariling paradahan sa Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao at iba pang highly urbanized cities.

Paliwanag ng mambabatas, responsibilidad ng mga may-ari ng sasakyan na magkaroon ng permanent parking space-ito man ay kasama sa kanilang bahay o kaya naman ay inuupahang parking space.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...