Quo warranto petition vs CJ Sereno, malabnaw ayon kay SP Pimentel

Nanindigan si Senate President Koko Pimentel III na ang tanging paraan para mapatalsik sa puwesto si Chief Justice Maria Lourdes Sereno ay sa pamamagitan ng conviction sa impeachment trial.

Reaksyon ito ni Pimentel kasunod nang pagsasampa ni Solicitor General Jose Calida ng quo warranto petition, kung saan hinihiling niya sa Korte Suprema na ipawalang-bisa ang pagkakatalaga kay Sereno sa puwesto noong 2012.

Giit ng senador nakasaad naman sa Saligang Batas na sa pamamagitan lang ng impeachment trial maaring mapapaalis ang mga pinakamatataas na opisyal ng gobyerno.

Aniya kung mag-iimbento ng ibang paraan ay labag na ito sa Konstitisyon.

Sa kabila nito, kinikilala naman ni Pimentel na ginagawa ni Calida ang kanyang trabaho bilang pangunahing abogado ng gobyerno at interesado siyang malaman kung paanong atake ang ginawa sa petisyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...