Lalaki patay sa pamamaril sa kanyang bahay sa Meycauayan, Bulacan

Radyo Inquirer Photo

Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin sa tapat lamang ng kanyang sariling bahay sa bayan ng Meycauayan sa Bulacan.

Kinilala ang biktimang si Luisito Palaganas, 55 taong gulang.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, mayroong kausap na lalaki si Palaganas sa labas ng kanyang bahay. Nang papasok na dapat ito ay hindi na niya mabuksan ang kanilang gate.

Nang harapin naman ulit ng biktima ang kausap ay doon na siya pinagbabaril nito.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang suspek.

Blangko pa ang mga otoridad tungkol sa motibo ng pamamaslang. Ayon naman kay SPO1 Wilfredo Pascual, dalawang buwan pa lamang nakakalaya si Palaganas matapos nitong makulong dahil sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...