Kinilala ang mga namatay na sina Valeriano Galeya at Ariel Abac na kapwa residente sa lugar at nangunguha ng apog o limestone.
Ayon sa Anda Municipal Polcie Station, nangunguha ng limestone ang dalawa hapon ng Lunes nang hindi nila mapansin ang mga nahuhulog na bahagi ng lupa mula sa gilid ng bundok.
Kwento umano ng isang driver ng mini-dump truck, nang tuluyang gumuho ang lupa ay hindi na nakatakbo pa papalayo sina Galeya at Abac.
Maswerte namang naligtas ang driver, ngunit kasama ng dalawang biktima ay nalibing din ang kanyang dump truck.
Ayon sa mga residente sa lugar, hindi naman umullan nang maganap ang landslide, ngunit posibleng lumambot ang lupa dahil sa mga pag-uulang dala ng bagyong Basyang noong nakaraang buwan.
Lunes ng gabi ay itinigil muna pansamantala ang search-and-retrieval operations. Ngayong umaga ay muling magtutulungan ang mga rescuers mula sa mga kalapit-bayan ng Pilar, Alicia, Candijay, Guindulman, at Duero para marekober ang kanilang mga katawan.