Ito ay bilang tugon sa naunang sinabi ng Philippine Coast Guard na hindi siya bahagi ng PCGA, kaugnay ito sa kumakalat na litrato ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño na nakasuot ng uniporme ng PCGA.
Ani Villanueva, 1973 nang mabuo ang nasabing grupo at ito umano ang pinakaunang PCGA sa bansa.
Ito rin aniya ang tanging PCGA na naka-register sa ilalim ng Securities and Exchange Commission (SEC).
Ayon pa kay Villanueva, lahat ng miyembro ng 101st MYC Squadron ay otorisadong magsuot ng PCG uniform.
Nauna nang sinabi ng PCG na hindi miyembro ng PCGA si Diño at maaaring maharap sa kasong usurpation of authority at iba pang kasong kriminal dahil sa pagsusuot ng uniporme nito.
Ayon pa sa PCG, posibleng naloko lamang si Diño ng isang Admiral Villanueva ng Manila Yatch Club na isa lamang bogus na grupo ng PCGA .