Ito ay matapos na humingi ng paliwanag ang isang opisyal ng Commission on Higher Education o CHED sa paggamit ng terminong Bagani sa titulo ng bagong television series ng giant tv network.
Sa kanilang statement, ipinaliwanag ng ABS-CBN na layunin ng ng programa na ipakita ang mga Pilipinong bayani at mandirigma at ang mga katangian ng mga ito.
Sa pagbuo anila ng konsepto ng programa, nagsagawa muna ng malalimang pagsasaliksik ang kanilang research team sa maaring gamiting salita na magpapakita ng mga positibong katangian at kabayanihan ng kanilang magiging bida kaya’t humantong sila sa terminong ‘bagani.
Wala aniyang masamang intensyon ang naturang tv network sa paggamit ng naturang salita o balewalain ang kahalagahan nito sa mga katutubo o Indigenous People’s communities.
Sa halip, nais anila ng programa na ipakita ang magagandang katangian ng mga ‘Bagani’ at iparating ito sa mga Pilipino.
Matatandaang, sumulat si CHED Commissioner Ronald Adamat, na dating kinatawan ng Indigenous People Sector sa director ng fantaserye upang hingin ang paliwanag nito sa paggamit ng terminong Bagani sa kanilang programa.
Bago pa man ipalabas, pinuna rin sa social media ang programa dahil sa paggamit ng mga artistang may dugong dayuhan.