Hindi hahayaan ni Pangulong Benigno Aquino III na mabastos ang mga kababaihan sa alinmang pagkakaton at larangan.
Yan ang tugon ni Presidential Deputy Spokesperson Abigail Valte hingil sa naganap na “sexy show” sa pagtitipon ng mga kasapi ng Liberal Party sa Birthday celebration ni Cong. Benjie Agarao sa lalawigan ng Laguna.
Ipinaliwanag ng opisyal na nakatitiyak siya na hindi papayagan ng Pangulo ang nasabing uri ng presentasyon kung siya’y nasa venue nang managanap ang nasabing pagsasayaw ng mga miyembro ng Playgirls.
Sinabi rin ni Valte na hindi dapat batikusin ang Pangulo sa nasabing pangyayari dahil wala naman siya sa lugar noong mga oras nay un.
Nauna dito ay binatikos rin ng ilang kababaihang mambabatas na miyembro ng LP ang nasabing iskandalo na ayun sa kanila ay malayo sa mga tunay na adhikain ng partido ng Pangulo.
Sinabi ni Dinagat Island Rep. Kaka Bag-ao na isang uri ng pambabastos sa mga kababaihan ang nasabing show at marapat lamang na managot ang mga taong nasa likod nito.
Lumutang rin ang pangalan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino na sinasabing nagdala ng nasabing “birthday gift” para kay Cong. Agarao.
Itinanggi ni Tolentino ang nasabing paratang kasabay ang pahayag na wala siyang alam tungkol sa mga Playgirls bagay na pinuna naman ng ilang netizen sa pamamagitan ng pag-upload ng ilang larawan na nagpapakitang kasama ni Tolentino ang nasabing grupo.