Joint exploration ng Pilipinas at China sa WPS, posibleng isunod sa joint exploration sa Beibu Gulf

Inquirer file photo

Maaring gayahin ng Pilipinas at China ang joint exploration sa West Philippine Sea sa joint exploration na ginawa ng state-owned Vietnam Oil and Gas Group at China National Offshore Oil Corporation sa Beibu Gulf sa Northern Vietnam at Southern China noong 2013.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, hindi lalabagin ng Pilipinas ang sarili nitong konstitusyon at iba pang domestic laws kapag isinulong ang joint exploration ng Pilipinas at China sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Paliwanag pa ni Roque, sasaklawin pa rin ng mga umiiral na batas sa Pilipinas at susunod sa mining code ng Pilipinas ang China sakaling magsagawa na ng joint exploration.

Dagdag ni Roque, kapag may nakuhang gas sa joint exploration, depende na ang magiging hatian sa mapakakasunduan ng kukuning pribadong kumpanya ng China na magsasagawa ng joint exploration sa West Philippine Sea.

Matatandaang inaangkin ng China ang halos buong South China Sea kabilang na ang West Philippine Sea.

Read more...