Aminado si Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo na daan-daan ang maaring mawalan ng trabaho dahil sa pagpapasara ng mga negosyo sa isla ng Boracay.
Kaya’t aniya, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga maaring malipatan na trabaho ng mga empleyado.
Nabanggit din ni Tulfo-Teo na posible naman na ilan sa mga mawawalan ng trabaho ay pumasok bilang bahagi ng demolition team na wawasak sa mga ilegal na istraktura.
Maari din naman na mag-trabaho din sila bilang bahagi ng construction team.
Sa datos ng kagawaran, may halos 18,000 ang nagta-trabaho sa isla at marami sa kanila ay galing pa ng Metro Manila, Cebu, Negros at ilang probinsya sa Luzon.
Umaasa din ang kalihim na ang mga local government units (LGUs) sa Region 6 ay makakatulong sa pagbibigay ng trabaho sa mga maapektuhang manggagawa ng Boracay.