Hindi na fit si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na pamunuan pa ang kataas-taasang hukuman.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, malinaw ang mensahe ng 13 mahistrado sa Supreme Court na mas makabubuting lisanin na ni Sereno.
Ang institusyon na pinamumunuan dahil sa impeachment case na kinakaharap nito sa Kamara.
Kasabay nito, sinabi ni Roque na ang indefinite leave ni Sereno bunsod ng hirit ng 13 mahistrado ay patunay na healthy at alive ang sangay ng hudikatura sa bansa dahil aniya sa hindi pinakinggan ni Sereno ang payo noon ng Palasyo na mag-resign na lamang.
Sinabi ni Roque na ipinauubaya na ng ehekutibo sa Kongreso ang pagpapasya sa kapalaran ng punong mahistrado.
Sa kabila ng kontrobersiya, umaasa naman si Roque na hindi maantala ang trabaho sa hudikatura dahil pansamantalang hinawakan ni Chief Justice Antonio Carpio ang pwesto ni Sereno.