Hindi dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa ASEAN-Australia Summit na gaganapin sa March 17 hanggang 18 ng taong kasalukuyan.
Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, maraming panloob na isyu sa Pilipinas ang kinakailangan na tugunan ng pangulo kagaya na lamang graduation ng Philippine Military Academy.
Ayon kay Roque, gagamitin ng pangulo ang naturang pagkakataon para kausapin ang mga batang militar na pag-ibayuhin ang paglilingkod sa bayan para labanan ang terorismo.
Dagdag ni Roque, si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na lamang ang ipadadala ng pangulo bilang kaniyang kinatawan.
Bagama’t hindi makadadalo, sinabi ni Roque na umaasa pa rin ang pangulo na lalo pang tatag ang ugnayan ng dalawang bansa maging sa rehiyon ng South East Asian Nations.