Bigas na ibinebenta ng DA, hindi na kayang mas ibaba pa sa P38

Photo by Mark Makalalad

Tapat na ang P38 na halaga ng bigas na ibinebenta ng Department of Agriculture (DA) bilang pantapat sa nagmamahal na NFA rice sa merkado.

Sa pagbubukas ng rolling tienda sa Barangay Payatas, Area B, Quezon City kaninang umaga, sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na hindi na kayang gawin pang mas mura ang panindang bigas sa mga bigas ng masa tienda.

Paliwanag niya, wala kasing subsidy o pampunong salapi ang gobyerno sa pinagugulong na bigasang-bayan.

Malamang aniya malugi lang ang mga magsasaka kung ipapantay ito sa presyo ng murang NFA rice.

Unang itinayo ang Tienda sa labas mismo ng opisina ng DA sa Quezon City, kung saan nagbebenta sila ng bigas na nasa P38 kada kilo.

Mas mababa ang presyo nito kumpara sa P45 hanggang P50 na halaga ng normal na NFA rice.

Samantala, sinabi naman ni Piñol, unti-unti na rin nilang bubuksan sa bawat rehiyon ang rolling stores. Isusunod na nila itong pagulungin sa Negros Occidental.

Read more...