Ngayong araw, niyaning ng magnitude 6.0 na lindol ang lugar sa bahagi ng Southern Highlands.
Ayon sa US Geological Survey, naitala ito sa layong 600 kilometro sa hilagang kanluran ng Port Moresby.
Ayon kay William Bando, provicial administrator ng Hela Province, hindi sila nakakatutulog dahil sa mga pagyanig na nararanasan nila.
Inilarawan ni Bando ang lindol kanina na halos tumilapon siya sa kama.
Noong nakaraang linggo, tumama ang magnitude 7.5 na lindol sa Papua New Guinea na ikinasawi ng hindi bababa sa 31 katao.
Ayon kay New Zealand Foreign Affairs Minister Winston Peters, nahihirapan pa rin silang makarekober sa pagyanig dahil sa bulubunduking lugar at kawalan ng komunkinasyon. Libu-libo katao aniya ang nangangailangan ng humanitarian aid. / Rohanisa Abbas