Pagsasapubliko ng masterlist ng Dengvaxia, labag sa batas – NPC

Ibinabala ng National Privacy Commission (NPC) na labag sa batas ang pagsasapubliko ng masterlist ng mga naturukann ng Dengvaxia.

Ayon kay NPC Commissioner Raymund Liboro, sa ilalim ng Data Privacy Act of 2012, ipinagbabawal ang pagsiwalat ng impormasyon ng public office sa anumang ahensya ng gobyerno nang walang permiso ng taong subject ng impormasyon.

Ipinahayag ito ng NPC makaraang hilingin ng DOH na bigyan ng masterlist ng mga naturukan ng Dengvaxia ang Public Attorney’s Office kaugnay ng imbestigasyon sa mga pagkasawi na iniuugnay sa bakuna sa dengue.

 

 

 

 

 

 

Read more...