Mag-asawang lider ng NPA, sumuko sa Davao Occidental

Sumuko sa militar ang mag-asawang myembro ng New People’s Army sa Malita, Davao Occidental.

Ayon kya Lt. Col. Marion Angcao, commander ng 73rd Infantry Batallion, nakilala ang mga sumuko na sina Bonio Dawa alyas Rick na team leader ng Unit Militia, at Ligaya Dawa alyas Aria, mass suporter at team leader ng Underground Mass Organization ng Guerilla Front 71.

Ang mag-asawang Dawa ay mga residente ng Sitio Kiopok, Barangay Little Baguio sa Malita.

Isinuko rin nila ang isang M16 rifle.

Makakatanggap ng tulong pinansyal ang dalawang sumukong myembro ng NPA sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...