Ito ang inihayag ni PDEA Director General Aaron N. Aquino sa nakatakdang paglalabas ng DILG memorandum na nag-uutos sa mga opisyal ng baranggay na bumuo ng anti-drug council sa kanilang nasasakupan sa loob ng 30 araw.
Ayon kay Aquino, sakaling hindi sila tumupad sa direktiba ay maaari itong maging basehan para hindi aprubahan ang kanilang annual budget at posible ring panagutin ang mga ito sa ilalim ng local governtmenct code at anti-drug laws.
Iginiit ng hepe ng PDEA ang kahalagahan ng mga anti-drug councils para sa kampanya kontra iligal droga ng gobyerno.
Malaki rin anya ang posibilidad na maaaring kaya walang functional na BADACs ang ilang baranggay ay dahil sangkot ang ilang mga opisyal nito sa kalakaran ng droga.
Umapela rin si Aquino sa iba pang ahensya ng mga gobyerno na gawing drug-free sa 2022 ang 24,424 barangays na apektado ng iligal na droga sa buong bansa