OSG, kukuwestyunin na sa SC ang kuwalipikasyon ni Sereno na hawakan ang CJ post

 

Inquirer file photo

Nakatakda nang maghain ng ‘quo warranto’ petition ang Office of the Solicitor General ngayong araw upang kuwestyunin ang kuwalipikasyon ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na pamunuan ng Kataas-taasang Hukuman.

Ang hakbang ng OSG ay matapos ang mga pagdinig sa Kamara upang madetermina kung may sapat na batayan upang isulong ang impeachment complaint laban sa Chief Justice.

Sa naturang pagdiig, lumutang ang kuwestyon sa ligalidad ng pagkakatalaga ni Sereno sa puwesto noong 2012 dahil sa pagkabigo umano nito na magsumite ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN nang mag-apply ito sa puwesto.

Matapos rin ang pagdinig, sinabi rin ni House Speaker Pantaleon Alvarez na mismong ang Korte Suprema ay maaring patalsikin si Sereno kung mapapatunayang hindi lehitimo ang pagkakatalaga sa kanya bilang Punong Mahistrado.

Matapos ito, nagpayo rin si Alvarez sa OSG na maghain ng reklamo sa Korte Suprema upang kuwestyunin ang pagkaka-appoint kay Sereno dahil sa lumutang na isyu ng nabigong pagsusumite ng SALN nito.

Read more...