Tulak ng droga arestado sa Valenzuela City

 

Timbog sa isang buy bust operation ang lalaking itinuturing na notorious drug pusher sa Barangay Malanday, Valenzuela City.

Kinilala ang suspek na si Ramoncito Caparas.

Limang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang nakumpiska mula kay Caparas.

Ayon sa mga otoridad, nasa drugs watchlist nila ang suspek na isang high value target. Anila, ilang taon na nilang pinaghahanap ito.

Napag-alaman na bukod sa kaso sa droga ay naharap na rin si Caparas sa iba’t ibang kaso katulad ng homicide, paglabag sa gun ban, at serious physical injuries.

Read more...