Ito ang pagtitiyak ng China sa bisperas ng pagbubukas ng National People’s Congress sa Beijing.
Ayon kay Zhang Yesui, tagapagsalita ng National People’s Congress hindi dapat ikabahala ng lahat ang mga hakbang na ginagawa ngayon ng China.
Wala aniyang plano ang China na baligtarin ang maayos na sitwasyon ngayon upang magsimula lamang muli.
Paliwanag pa nito, ang mga ginagawang development ng China ay naaayon sa pagtiyak ng kapayapaan at kasaganaan para sa buong mundo.
Gayunman, aminado si Zhang na may ilang reporma na kinakailangang ipatupad.
Ito aniya ay sa usapin ng international rules, na hindi na naaayon aniya sa kasalukuyang panahon.