Ex-Health Sec. Garin, tatalima sa Comelec summon sa isyu ng Dengvaxia

 

Tatalima si dating Health Secretary Janet Garin sa summon ng Commission on Elections na humarap sa kanilang tanggapan sa March 15 para bigyang-linaw ang kontrobersiya sa anti dengue vaccine na Dengvaxia.

Ayon kay Garin, magandang oportunidad ito para mapatunayan na walang halong pulitika ang pagpapatupad ng anti-dengue vaccine na sinimulan noong April 4, 2016 para sa mahigit walong daan libong kabataan na naturukan.

Bubusisiin ng Comelec kung posibleng nilabag ni Garin at ni dating Pangulong Benigno Aquino III at dating Budget Secretary Florencio Abad ang eleksyon dahil ipinatupad ang programa apatnaput limang araw bago ang eleksyon noong Mayo 2016.

Sa batas sa Pilipinas, bawal nang magpatupad ng mga programa ang gobyerno kapag umiiral na ang election ban.

Read more...