Reaksiyon ito ng Senador matapos magkasundo ang SC en banc na sapilitang himukin si Sereno na maghain ng “indefinite leave” sa gitna ng mga alegasyong hindi nito idineklara ng buo ang kanyang yaman sa selection process pa lamang sa pagka-punong mahistrado.
Ayon kay Trillanes, tanging ang kongreso lamang ang may eksklusibong kapangyarihan na alisin ang isang impeachable official.
Ipinunto ng mambabatas ang mga ulat na karamihan sa mga hukom ng korte suprema sa pangunguna ni Associate Justice Marvic Leonen ay minamaniobra ang puwersahang pagtanggal kay Sereno.
Babala pa nito, anumang “unconstitutional act” na gagawin ng mga mahistrado ay maaring maging batayan para sila naman ang ma-impeach oras na magbago na ang administrasyon.