Extradition ng mag-asawang suspek sa pagpatay sa OFW na si Joanna Demafelis, minamadali

 

Nakikipag-ugnayan na ng Overseas Workers Welfare Administration sa Gulf State para ma-extradite sa Kuwait ang Lebanese at Syrian na mga employer ng Overseas Filipino Worker na si Joanna Demafelis na pinatay at inilagay sa freezer ang bangkay.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration Administrator Hans Leo Cacdac, magtutungo sa Kuwait ang mga magulang ni Demafelis para personal na masubaybayan ang paglilitis laban sa mag-asawang suspek na sina Nader Essam Assaf na isang Lebanese at Mona Hassoun na isang Syrian.

Kasabay nito, tiniyak ni Cacdac na tuloy pa rin ang pagbibigay ng ayuda ng gobyerno sa pamilyang naiwan ni Demafelis.

Ayon kay Cacdac, sagot na ng gobyerno ang pagpapa-aral sa kapatid ni Demafelis pati na ang pagpapagawa sa kanilang bahay sa Iloilo.

Matatandaang inihatid na sa huling hantungan kahapon ang mga labi ni Demafelis.

Read more...