Flag-raising ng SC, mamumula bukas

 

Magsusuot ng kulay pulang t-shirt ang mga Mahistrado at mga empleyado ng Supreme Court sa flag-raising bukas.

Ito ay para ipakita ang kanilang pagsuporta sa labintatlong Mahistrado na humirit na maghain na ng indefinite leave si Chief Justice Maria Lourdes Sereno dahil sa kinakaharap nitong impeachment complaint sa Kamara.

Ayon sa dalawang court insiders na tumangging magpabanggit ng pangalan, ang pagsusuot ng kulay pulang t shirt ay pagpapakita ng kanilang pagkadismaya sa pamumuno ni Sereno sa Katas- taasang Hukuman.

Nabatid na maging ang mga Mahistrado at mga lower court judges na hindi karaniwang dumadalo sa flag raising ay magtutungo bukas ng umaga.

Una rito, sinabi ni Oriental Mindoro Congressman Reynalo Umali, chairman ng house committee on justice na pagbobotohan na sa loob ng linggong ito kung may probable cause ang impeachment complaint na inihain ni Attorney Larry Gadon laban kay Sereno.

Read more...