3 patay sa magkakahiwalay na kaso ng pagkalunod sa Sariaya, Quezon

 

Patay ang tatlo katao sa magkakahiwalay na insidente ng pagkalunod sa Sariaya, Quezon.

Ayon sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, dalawang matanda ang nalunod sa isang beach sa Brgy. Castanas.

Nabatid na taga-Rosario, Batangas ang dalawang biktima at nagpi-picnic sa Sariaya nang maganap ang insidente.

Samantala, isang binata rin ang nalunod sa Brgy. Guisguis sa Sariaya.

Ayon sa MDRRMC, maaring lasing ang binata nang malunod.

Read more...