NU tinalo ang UP sa UAAP women’s volleyball

 

Bumangon ang National University Lady Bulldogs mula sa kanilang unang pagkatalo sa kamay ng Far Eastern University para sa UAAP Season 80 women’s volleyball tournament.

Sa naging laban ng NU at University of the Philippines Lady Maroons na ginanap sa Filoil Flying V Centre sa San Juan, ay pinataob ng NU ang UP sa iskor na 25-23, 25-23, at 25-17.

Dahil dito ay nangunguna pa rin ang Lady Bulldogs sa torneo matapos makapagtala ng 6-1 win-loss record.

Habang nasa ikatlong pwesto naman ang Lady Maroons sa kanilang 2-5 win-loss record.

Read more...