Villar, hindi pabor sa total closure ng Boracay

 

Tutol ang ilang mga senador sa panukala ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng total closure ng animnapung araw ang isla ng Boracay.

Ayon kay senador Cynthia villar, chairman ng senate committee on environment, sa halip na total colosure, dapat lamang ipasara ang mga establisimiyento na hindi sumusunod sa mga batas na itinatakda para pangalagaan ang kalikasan.

Iginiit pa ni Villar na dapat ang mga non-compliant lamang ang dapat na parusahan.

Kamakailan lamang, personal na binisita ng mga senador ang mga establisimiyento sa Boracay.

Ayon kay Villar, ilan sa mga establisyemento ang nakitaan ng walang maayos na sewer lines, pagtatayo ng mga gusali na lagbas sa property lane at pagsakop sa mga wetlands.

Sinisisi rin ni Villar ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa Boracay dahil sa kabiguan na ipatupad ang Solid Waste Management Law sa isla.

Read more...