Hindi sang-ayon ang mga senador sa pag-iimplementa ng 60 araw na total closure sa Boracay.
Sa isang panayam, sinabi ni Senadora Cynthia Villar, chair ng Senate environment committee, napagkasunduan ng mga senador na makiusap kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag ituloy ang pagpapasara ng buong isla at isara lang ang mga non-complaint establishments.
Sa ganitong paraan, maeengganyo aniya ang ilang establisimiyento na sumunod sn environmental law sa naturang tourist destination.
Magpapatuloy lang aniya ang paghinto ng operasyon ng mga establisimiyento hangga’t hindi sumusunod sa batas.
Ilan sa mga nakitang problema ang koneksyon ng sewer lines at mga itinayong establisimiyento sa wetlands.
Dagdag pa nito, hindi mahigpit na naipatupad ng pamahalaang lokal ng Boracay ang solid waste management law sa lugar.
Noong Biyernes, matatandaang bumisita si Villar kasama ang apat pang senador sa naturang isla para sa gagawing pagtalakay ng isyu sa Senado.