Rules of impeachment para sa impeachment trial kay CJ Sereno, kasado na

Inquirer file photo

Kasado na ang rules of impeachment sa Kamara para sa impeachment trial laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Oriental Mindoro Congressman Reynaldo Umali, chairman ng House Committee on Justice na pulido na ang rules of impeachment.

Sa ngayon, sinabi ni Umali na aabot sa 40 kongresista na abogado ang nasa listahan para maging miyembro ng panel of prosecutors.

Sa ilalim ng rules, 11 ang dapat na maging prosecutors.

Tumanggi muna si Umali na tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga magiging prosecutors dahil sinusuri pa nila ang karanasan ng mga abogado lalo sa aspeto ng litigation.

Kinakailangan din aniya na may sapat na kaalaman sa graft and corruption dahil ito ang isyu na ipinupukol kay Sereno.

Sinabi pa ni Umali na bilang chairman ng Justice committee, siya ang dapat na maging chairman ng panel of prosecutor.

Pero gusto niyang irekomenda si Majority Floor leader Rodolfo Fariñas na maging chairman ng panel of prosecutor.

Ayon kay Umali, may sapat na karanasan si Fariñas lalo’t napasama na rin siya sa impeachment trial noon ni dating Chief Justice Renato Corona.

Read more...