Isa patay, isa sugatan sa aksidente sa Tondo, Maynila

Credit: Google

Patay ang isang lalaki matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa kanto ng Rizal Avenue at Matang Tubig St., Tondo, Maynila.

Bumulagta sa kalsada at dead-on-the-spot ang biktimang si Charles Francis Asuncion, 19 anyos, at nagta-trabaho bilang crew ng isang convenience store.

Ayon sa ilang nakasaksi, sinalpok ng motorsiklo ng biktima ang center island at tumalsik ito sa lakas ng pagkakabangga.

Sugatan naman ang backrider na kasama ni Asuncion na agad ring dinala sa ospital.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Manila Police District sa nasabing insidente.

Read more...