Ayon sa daily weather forecast ng PAGASA, nakakaapekto ang Ridge of High Pressure Area sa Hilagang Luzon, habang ang Easterlies naman na hanging nagmumula sa Pacific Ocean ay nakakaapekto sa nalalabing bahagi ng bansa.
Inaasahang patuloy na magdadala ng mainit na panahon ang naturang weather systems.
Makararanas ng maaliwalas na panahon na may pulo-pulong pag-ulan ang Metro Manila at ang iba pang bahagi ng bansa.
Ligtas namang makakapalaot ang mga mangingisda sa buong bansa dahil sa banayad na alon sa mga karagatan.
MOST READ
LATEST STORIES