Ayon sa official news agency ng NoKor na KCNA, kailangang akuin lahat ng US ang magiging resulta ng counteraction ng NoKor.
Ayon pa dito, hindi magmamakaawa ang kanilang bansa para lamang makausap ang US.
Ayon naman sa foreign ministry spokesperson ng NoKor, nakadepende sa attitude ng US ang kapayapaan sa Korean peninsula.
Ngunit naninindigan ang White House na anumang pag-uusap kasama ang North Korea ay kailangang humantong sa pagtatapos ng nuclear program ng bansa.
Nakatakdang simulan ng Estados Unidos ang joint exercises sa April.