Gilas Pilipinas handa na para sungkitin ang Gold sa Fiba Asia

baldwin16
Fiba Asia photo

Nanantiling mataas ang morale at buo ang loob ng buong Team ng Gilas Pilipinas sa kanilang pakikipag-sagupa mamaya sa mas matatangkad at mas maraming Championship titles na China.

Sinabi ni Gilas Pilipias Coach Tab Baldwin na hindi ang paglalaro sa Championship ang kanilang target kundi ang mismong kampeonato at pag-uuwi ng Gold medals para sa Pilipinas.

Mamayang alas 8:30 ng gabi magaganap ang kapana-panabik na bakbakan sa pagitan ng Pilipinas at China kung saan ngayon pa lang ay sinasabing pupunuuin ng Chinese crowd ang Changsha Social Work College Gymnasium na siyang venue para sa kasalukuyang Fiba Asia Tournament.

Tulad ng kanilang ginawa ng makaharap ng China ang Team Iran, inaasahang mapupuno ang kantyawan at asaran ang buong Gym bagay na pinaghahandaan ng Gilas Team dahil sa homecourt advantage ng mga Chinese.

Pangungunahan naman ni Samahang Basketball ng Pilipinas President Manny V. Pangilinan ang kampanya ng mga Pinoy na mag-uwi ng Gold medal para sa bansa.

Simula 1960 hanggang 1973 ay siga ng Basketball sa buong Asia ang Pilipinas hanggang sa maagaw ng China ang dominasyon sa mga Basketball tournament.

Sinabi ni Baldwin na inaasahan niya na ibubuhos ng kanyang buong tropa ang lahat ng kanilang nalalaman sa opensa at depensa para masungkit ng bansa ang kampeonato.

Sa mga nakaraang laban ay nakita ng mundo ang husay ng mga miyembro ng Gilas Pilipinas makaraan nilang ilampaso ang mga mas malalaki at mas experienced na players mula sa ibat-ibang panig ng mundo.

Dahil naman sa kanyang ipinakikitang husay sa paglalaro, inaasahang makaka-sama ang pangalan ni Jason Castro ng Gilas Pilipinas sa mga pagpipilian bilang Most Valuable Player ng Fiba Asia.

 

Read more...