Hihilingin ni Senador Leila de Lima na payagan siyang dumalo sa impeachment proceedings laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ipinahayag ng senadora na maghahain ng mosyon ang kanyang mga abogado para hilingin ito sa korte.
Sinabi rin ni De Lima na nagpapasalamat siya kay Senate Presidenot Koko Pimentel sa pagkilala sa kanyang karapatan bilang senador. Aniya, bilang senador, sa ilalim ng Saligang Batas, naatasan siyang makibahagi sa mga mahahalagang pagdinig.
Una nang ipinahayag ni Pimentel na hindi niya pipigilin si De Lima na lumahok sa botohan sa impeachment trial laban sa punong mahistrado.
Paliwanag ni Pimentel, 2/3 ng 23 ng mga senador o 16 na boto ang kailangan para desisyunan ang impeachment case ni Sereno.
Sinabi naman ni De Lima na sa gitna ng pagkakaroon ng naka-authoritarian na pangulo, at pamamayagpag ng partido nito, responsibilidad ng Senado na tiakin at isulong ang pagiging lehitimo at patas ng impeachment proceedings.
Si De Lima ay nakadetine sa Camp Crame dahil sa kasong kanyang kinakaharap kaugnay ng iligal na droga