Measles outbreak, patunay na hindi epektibo ang bakuna ng DOH – lider ng doctors’ group

Naniniwala ang pinuno ng isang grupo ng mga doktor na hindi epektibo ang bakuna sa tigdas ng Department of Health (DOH) dahil sa pagkakaroon ng measles outbreak sa bansa.

Pahayag ito ni Doctors for Life President Dolly Octaviano kasunod ng pagdeklara ng DOH ng measles outbreak sa Taguig City pati sa Region 3, Zamboanga at Davao city.

Patunay anya ang outbreak na hindi pang-habambuhay ang proteksyon ng bakuna laban sa tigdas.

Dahil hindi anya natural ang virus na nasa measles vaccine ay posible pa ring magka-tigdas ang mga bata kapag bumaba o humina ang kanilang resistensya.

Sa record ng DOH, nasa 222 na ang naitalang kaso ng tigdas sa buong bansa simula noong enero ngayong taon.

Read more...