MRT-3, muling nakapagtala ng aberya matapos ang isang linggo

FILE

Matapos isang linggo mamahinga sa aberya, nagka-aberya ang MRT-3 sa GMA-Kamuning Station southbound dahil sa electrical failure.

Dakong 2:06 ng hapon, pinababa ang 750 pasahero dahil dito. Makalipas ang walong minuto, nakasakay naman sa sumunod na tren ang mga pasahero

Paliwanag ni Aly Narvaez, media relations officer ng MRT-3, posibleng sirang electrical sub-components ng tren ang sanhi ng aberya.

Agad namang ibinalik sa depot ang tren sa North Avenue, Quezon City para ayusin.

Ito ang unang aberya na naitala sa MRT-3 mula noong February 21.

Tiniyak naman ng pamunuan ng MRT-3 na maaasahan ng publiko ang malaking pagbabago at mapabubuti ang serbisyo nito matapos ang Holy Week, kung kailan isasailalim sa overhaul ang lahat ng tren. /

Read more...