Kapatid ni ex-Pres. Marcos, pumanaw na

Imee Marcos Facebook Page

Sumakabilang-buhay na ang kapatid ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa edad na 87.

Sa pamamagitan ng kaniyang Facebook page, nakiusap si Ilocos Norte Governor Imee Marcos na ipagdasal ang pagpanaw ng kaniyang tiyahin na si Fortuna “Baby” Marcos-Barba.

Sa ngayon, wala pa naglalabas ng pahayag ang pamilya Marcos kaugnay sa sanhi ng pagkamatay nito.

Si Baby ang bunso sa apat na magkakapatid na Marcos.

 

Read more...