Travel agencies na kontra sa posibleng 60 araw na moratarium sa Boracay, pwedeng magmungkahi sa DOT

FILE

Bukas ang Department of Tourism (DOT) sa magiging suhestyon ng travel agencies sa paglilinis ng Boracay na kumokontra sa pansamantalang pagpapasara nito.

Sa isang panayam, sinabi ni DOT Assistant Secretary Ricky Alegre na tatanggap sila ng position paper para makita kung ano ang kayang iambag ng travel agencies sa loob ng anim na buwan kaugnay nito.

Inalmahan ng Philippine Travel Agencies Association of the Philippines ang planong pagpapatupad ng 60 na araw na moratorium para tugunan ang environmental problems ng Boracay.

Samantala, ayon kay Alegre, ipepresenta nila kay Pangulong Rodrigo Duterte sa cabinet meeting sa Lunes ang kanilang rekomendasyong pansamantalang isara sa mga turista ang isla.

Read more...