Ipupursigi ng Department of Tourism ang 60-day closure ng mga business establishments sa Boracay Island.
Kasunod ito ng pahayag ni Environment Secretary Roy Cimatu na hindi pa siya handa na irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasara ng ilang resort sa nasabing isla.
Ayon kay Tourism Secretary Wanda Teo, nais niyang isagawa ang total closure simula June 1 hanggang July 1.
Sa araw na pagsasara, iginiit ni Teo na maaaring gamitin ng mga resort owner ang nasabing panahon para magsagawa ng improvement sa kanilang pasilidad at sundin ang itinakda ng batas.
Base sa kautusan ni Pangulong Duterte, binigyan nito ng anim na buwan ang DENR, DOT at DILG para resolbahin ang problemang kinaharap ng nangungunang tourist destination na tinawag niyang “cesspool” dahil sa kabi-kabilang paglabag sa environmental laws.
Aminado si Teo na malaki ang epekto sa turismo at negosyo ang gagawin nilang hakbang pero dapat din aniyang ikonsidera ang magandang idudulot nito kapag naayos ang mga pasilidad sa lugar.