Nakararanas ngayon ng matinding pagbaha ang ilang coastal area sa estado ng Boston kasunod ng pananasala ng bagyo sa U.S. East Coast.
Pinalala pa ang pagbaha ng sabayan ito ng high tide. Kaugnay nito, aabot sa 1.7 milyong bahay ang walang kuryente partikular sa Northeast at Midwest habang nasa 3,000 biyahe ng eroplano naman ang kinansela dahil sa sama ng panahon.
Kinailangan pang ilikas ang mga tao sa control tower ng Dulles International Airport sa Washington dahil sa malakas na hangin.
Nagbabala din ang kanilang forecasting center sa malalaking alon na maaaring maranasan dahil sa bagyo. Sa pagtaya ng Accuweather, aabot sa 70 miles per hour o 113 km per hour ang lakas ng bagyo.
MOST READ
LATEST STORIES