Limang drug suspects huli sa operasyon ng QCPD

Sa kulungan ang bagsak ng limang drug suspects kabilang na ang dalawang menor-de-edad na nahuli sa isinagawang buy-bust operation sa Cadena de Amor St. Brgy. Central Quezon City.

Ayon kay Supt. Christian Dela Cruz, hepe ng Kamuning Police, target sa operasyon si Dan Guatno alias “Bugnoy” na dati nang sumuko sa Oplan Tokhang pero nagpatuloy pa rin sa kanyang iligal na gawain na pagbebenta ng shabu.

Sa naturang operasyon, nagpanggap ang operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at bibili ng P700 halaga ng shabu.

Dito na umano naaktuhang gumagamit ng illegal na droga ang iba pang suspek kabilang na si Ana Maria Lama, na live-in partner ng target na si Arjay Peralta at dalawang menor de edad.

Nakuha mula sa mga suspek ang pitong pakete ng hinihinalang shabu na may street value na nagkakahalaga ng P5,000.

Ililipat sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development ang dalawang bata habang ang ibang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Law.

Read more...