Ang nasabing pondo ay ilalaan para pondohan ang mga itatayong drug rehabilitation centers sa Pilipinas base sa inisyal na impormasyon mula sa E.U.
Sinabi Presidential Spokesman Harry Roque na personal niyang aalaman sa pamunuan ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa kung anong uri ng economic package nakapaloob ang nasabing tulong.
Malinaw umano ang mga naunang pahayag ng pangulo na hindi tatanggap ng anumang tulong mula sa ibang bansa ang Pilipinas kung may mga kundisyon na nakapaloob dito.
Sa kanyang panig, sinabi naman ni Stefano Maservisi, European Commission Director General for International Cooperation and Development na diretso nilang ibibigay sa Department of Health ang nasabing pondo.