Nagsimula ang sunog dakong alas-10:00 ng gabi sa Sitio Kabatuhan sa naturang barangay, kung saan tinatayang nasa 20 kabahayan ang natupok ng apoy.
Umabot pa sa ika-apat na alarma ang sunog dahil pawang gawa sa mga light materials ang mga tahanan kaya mabilis na kumalat ang apoy.
Tuluyan namang naapula ang sunog ganap na alas-2:22 ng madaling araw na ng Sabado.
Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protecton (BFP) kung ano ang naging sanhi ng sunog.
MOST READ
LATEST STORIES